My Dearest Friend



Naniniwala akong lahat ng tao ay nahahandugan ng regalo, iba-iba nga lang.
Nais kong ikuwento sainyo kung anung klase yung regalong ibinigay sa akin ng Diyos.

At first, ayokong maging close sa kanya natatakot kasi ako na baka mabawasan respeto ko sakanya. Pero habang tumatagal at nagkikita kami palagi sa Gawain ni Lord and I always find myself thinking about this lady. Dun na ko magumpisang hangaan sya, hangaan sa pagiging efficient niya at lagi niya kong pinapansin trying to make a conversation, pero lagi ko lang binibigay na sagot sakanya ay isang simple at pilit na ngiti, hindi ko pa kasi sya close kaya hindi ko magawang magsalita.


Marami akong natutunan mula sakanya, gusto ko rin kapag pinapalakas niya loob ko using Gods word. Minsan nga gusto ko maging katulad niya, pero hindi ko ma-reach e. 
Ayoko rin na nagkakamali sa harapan nya, ayokong mawala trust niya sakin. I pray and work hard just to get her trust and support tapos mawawala lang dahil sa pagkakamaling gagawin ko? hehe. Ayoko sya mawala sakin. Lagi syang kasali sa prayers ko, sa totoo lang lagi sya nasa isip ko, ewan ko rin nga kung bakit e, hehe.

Share ko din yung pinaka-happiest moment ko with ******. Habang naghihintay kasi kami nun ng mga kaklase ko sa report namin na nasa leader namin sa SM, pagkaharap ko sa Mcdo, nahagilap sya ng mata ko, nung una tinitigan ko muna kasi malabo nga mata ko, pero sigurado na talaga ko na sya yun kasi kabisado ko shape ng body nya, haha, ayun nilapitan ko sya, gulat pa nga sya e, hehe, yun yung pangalawang beses na nakasama ko sya ng kami lang, ayun umikot lang kami, tas sumama na rin ako sakanya pauwi, iniwan ko mga klasmeyt ko, pinaka-importante kasi sakin na makasama ko sya kesa sa report, hehe. Ayun, we talked about anything under the lights of SM, hehe, gustong-gusto ko talaga sya kasama, iba nararamdaman ko kapag sya kasama ko. Alam mo ba bakit napakasaya ko noon kahit ilang minuto lang kami nagkasama? Masaya ko kasi God answered my prayer. I always pray na sana makasama ko sya kahit konting oras lang, tas ayun hindi ako binigo ni Lord. Sa ngayon yan ang pinakamasayang moment ko with ******. Dadagdagan pa yan ni Lord.

Alam mo ba sya unang nakakaramdam kung malungkot o may problema ko, pero sya rin naman nagpapawala nang lungkot ko e, basta maramdaman ko lang presence niya, happy na ko. ^^, Lagi syang may oras na magreply sa text ko o lagi syang may response sa mga tanong ko. Sya yung kaisa-isang nakilala ko sa buhay ko na walang katulad, I guess she’s my best friend...naks!, alam ko na ang salitang yan, hehe.  Ayun, I’m very happy and thankful kasi I have ******, and I love ****** so much if she only knew lang talaga.






SINO KAYA SIYA?
CLUE: TAO sya. hehe.

由美子