My 2015 Timeline

JANUARY
Nag-El Nido
Ganda ng Pilipinas!
Ang hulma ng bawat isla ay mapapasabi kang,
Thank you Lord for Philippines.
____________________________


Nag-exit.
sakit pero oks lang para sa pangarap.
Mas mataas na rin kasi ung level nang sakit ng pag-stay kesa sa pag-alis.
At hindi dapat ganun.
____________________________
FEBRUARY
Tinanggap sa CCF ng buong-buo.
Lord lead me to this fellowship sa paraang hindi ko maintindihan.
____________________________

Nakilala ang aking bagong tagapag-alaga 
(Dgroup Leader)
na super understading. At nag-gagandahang ladies.
____________________________
MARCH
Nag-post ng ganito.
Maraming na-guilty at nag-sorry. 
Sakit kasi maraming nag-text at nag-sorry.
Sakit kasi kung sino pa pinagkatiwalaan mo
Sila pa ang tinamaan. Tokwa lang. :(

sometimes, makinig din sakin. wag naman one-sided. 
____________________________

Worship pa din.
kahit nasasaktan.
kahit nawalan na ng tiwala sa lahat ng tao.
kahit nahusgahan ka piliin mo pa rin
MAG-WORSHIP.
dahil ang tiwala na ibibigay mo sa Panginoon 
ay hindi kailanman matatapon.
____________________________

NAG-PATAWAD.
God knows my pain, but I need to obey.
This will be my greatest lesson for this year,
Ang magpatawad at mas magmahal ng katulad ng Kay Jesus.
____________________________

LABAN LANG.
Sa gitna ngiba't-ibang klaseng emosyon,
Wag kakaligtaan ang great commandment.
Wag gawing excuse ang hindi ka OKAY.
Dahil ng Si Jesus ang pinapako sa Krus, hindi niya sinabi na,
Bukas na lang ako magpapapako, hindi kasi ako okay ngayon.
____________________________
APRIL
DISIPLINA.
Dahil nga sa pangarap ko, kailangan kong 
disiplinahin ang aking sarili kahit sa simpleng
pagsusulat. ^_^
____________________________

Baby.
Ako'y naging Ninang ng batang ito.
Na hanggang ngayon di ko pa rin kayang spell ang name.
____________________________
MAY
Nag-TAGAYTAY.
Tagaytay ang pinaka-favorite place ko sa lahat ng napuntahan namin.
Kaya tuwing sasapit ang May.
Pumupunta ko dun kasama si Mamai Mae.
____________________________
Birthdays.
Dahil lagi siyang handang dumamay.
Dahil lagi siyang handang punasan ang aking mga luha.
Dahil lagi siyang handang aliwin ako.
She deserves a very special attention from me. 
SURPRISE!
____________________________

Birthday ko.
Hindi ko makakalimutang birthday celebration.
Dahil introvert akong tao, ayoko ng masyadong tao.
Ayoko ng atensyon, kaya hangga't maaari ayokong may nakakaalam ng birthday ko.
At yun ang binigay sakin ni Mamai Mae.
Surprise trip to Villa Escudero. 
Fresh air with fresh foods.
^_^

MAY celebrants kami parehas ni Mamai Mae kaya hangga't maaari kailangan magkasama kami kasi sabi ko. hehe.
____________________________
JUNE
Muni-muni.
Dahil sa napagod na ko sa mga bagay-bagay.
Ako'y pansamantalang nagpahinga mula sa napaka-gulong mundo ng tao.
Maraming mahirap intindihin sa mundo.
At ang pinakamahirap intindihin sa lahat ay ang mga tao.
Mga taong biniyayaan ng mga mata, kamay, paa, utak at puso.
Pero dahil may natutunan ako. Unti-unti kong natututunan kung paano
umintindi sa mahirap makaintindi. intindihan mo?
____________________________
JULY
NAG-CDO.
Choose to chance the rapids and to dance the tides.

Safe and sound.^_^
Super blesssed. 
Asia's longest zipline.
Mejo na-hyper ako sa pagpapatakbo nito at muntikan na kami mahulog sa bangin. ^_^

I am so blessed because I have given a chance to experienced the extreme adventures at my young age.
Thank you Father for Philippines. Thanks Mamai!!!
____________________________
AUGUST
RECONCILIATION
Sa pagpapatawad dapat lahat ng kasalanan sa isat-isa ay "DELETED FOREVER" na.
At sa pagpapatawad dapat inaayos at hinihigitan kung anong klaseng pagsasama meron kayo noon.
Ika nga ni Frejerel; "Friends Forever"
I highlighted this event kasi dito ko na-apply yung natutunan kong:
"FIX RELATIONSHIPS, LOVE LIKE JESUS"
feeling ko nagLevel-up ng dalawang line ung grown-up meter ko. achichichi.
____________________________
SEPTEMBER
At dahil sa sunod-sunod na pagpapatawad ang naranasan ko.
I decided to attend True Life Encounter 1 Retreat in CCF, nung una ayoko pa, isip-isip pa ko.
Pero dahil hindi ako tinantanan ng LORD, gulat na lang ako nagre-register na ko. hehe.. Ang dami kong natutunan, ang daming bago, lahat ata bago sa utak ko. feeling ko ni-reset ng LORD memory ko dahil walang yabang na alam ko na yan, alam ko na yun, tanggap lang ako ng tanggap na parang baby christian ulit ako. Sarap sa pakiramdam, parang pati dugo ko pinalitan ng LORD sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. 
At dahil sa pag-attend ko sa retreat, nakilala ko ang aking mga bagong kapatid. Sina Joy, Anna, Joanna, Ate Jhie and Ate Aves. Nakakatuwa kasi ilang months na kong labas-pasok sa CCF, tapos lagi pa ko mag-isa sa Dgroup namin, kaya para akong only child na nabiyayaan ng mga kapatid nung nakilala ko sila. Hehe. Bagamat dalawang araw lang kami pinagdikit-dikit, ay naging komportable kami sa isat-isa at nagbigay ng tiwala sa isat-isa. Sobrang nakaka-miss ang may ka-fellowship sa loob ng church. Nakaka-miss yung mable-bless  ka sa mg testimonials nila. Sobra akong na-bless sa mga ladies na to. Tulad nga ng sinabi ko sakanila, "anong ginawa niyo sakin? hindi ako nakakaramdam ng ganito dati". 

_________________________________
OCTOBER
ANG PAGBABALIK.
Pagkatapos lahat ng pangyayari, ako'y fully recovered at 
handa na ulit mag-serve through kids ministry. ^_^
_________________________________
NOVEMBER
Na-mundok.
(@Pico De Loro)
Knowledge is like climbing a mountain.
The higher you reach, the more you can see and appreciate.

Naka-2 years na sa work.
Yes, 2 years na kong nagtra-trabaho.
But I can still say that I am not corrupted.
Work is work, though you love it, work will never love you back.
At napatunayan ko yan. Hehe.
Blessed ako sa work ko, but I guess its time to move to greener pasture. ^_^
_________________________________
DECEMBER
Nag-Pasko.
Dahil ang goal ko talaga ay makasama sila ngayong Pasko.
Ang oras sa pamilya ay mas mahalaga.. yup.. mahalaga.
Try to improve this next year. hehe.
_________________________________

That's it folks, for me I have a great year. 
Nasaktan man ako sa mga desisyong ginawa ko,
may blessing naman sa desisyon ko.
I never run away from God.
My decisions lead me more closer to God.
And God lead me to right people who can help me to pursue Him even more.
And I thank Him for that.
I thank Him for this year, I thank Him for not leaving me.
I thank Him for the grace, mercy and His stubborn love for me.

Madalas man ako pumapalya,
Tapat pa rin ang PANGINOON sakin.

Ang dami kong natutunan tulad na lang ng TOTOONG KAHULUGAN ng mga sumusunod:

*Tignan ang lahat ng tao kung paano sila tignan ng Panginoon, be graceful.

*PAGPAPATAWAD, yung hindi basta ka lang nagpatawad, ayusin ang relasyon sa mga nakasamaan ng loob.

Kung may nabasa kayong sakit-sakit from January-March, hanggang doon lang un, ngayon habang binabasa mo to, I am better than ever. Hehe. 
Minahal ko ang proseso ng Panginoon kung paano Niya ko pinagaling, pinalakas at muling nakatayo. Sa darating na bagong taon, uhm.. excited na ko! 

Maraming salamat sa lahat ng naging part ng buhay ko simula 1991. ^_^


HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

(humaba masyado kasi 1 month kong ginagawa tong pagbabaliktanaw)










































Leaving all behind...


I literally leave everyone behind... but in my heart you will always and always be here.

I'm sorry.. I never got a chance to say my bye-bye, I'm sorry.. if I made some of you sad because of my decision. Some of you knew my reason, some of you experienced what I experienced, and some of you saw what I saw. I don't want to explain myself why I need to leave, why I need to do this, because I'm hoping each of you will understand what I'm going through.

Anyways, I praise and worship the Lord for He used DCF to reach me. He equipped Leaders to made His name known to a teenager who wants to cut her life. He used people to help her to give herself another chance to live. He blessed her a lot of people to mold her inside and out. I thanked God for He used me to His Kingdom to give glory to His Only Name. I thanked God for all the Leaders who taught me how to: ENDURE EVERYTHING AND KEEPING MY HEART ON THE GROUND. I thanked God for all the relationships I built inside DCF. I thanked JESUS for being a VERY VERY VERY GOOD MODEL. I thanked Holy Spirit for always and always in control, for always helping me to endure everything.

I have some messages to all of you..

First... to my spiritual daughters.. you know who you are.. dalawa lang naman kayo. hehe. Nang dahil sainyong dalawa, naranasan kong maapi sa text ng mga boyfriends niyo, hehe.. but fun sakin yun, ibig sabihin may challenge, ibig sabihin may laban na dapat ipanalo. And YES!, the witness of God will always WIN.. break-up doon, break-up dito.. and I don't care how many break-ups you have kasi nakita ko na mas pinili niyo ang LORD, at yun ang munting kaligayahan namin, ang makita kayong nagpapatuloy at lumalago sa Lord. Ang bilin ko ha... kapag nalaman kong may kapalpakan e alam niyo na. hehe. Be strong In The Lord, always. Cheche, study first. ^_^

Second.. to K4C Teachers.. ito lang masasabi ko, wag pasaway. You are Teachers, kayo dapat ang nauunang nagsa-submit ha.. malalaki na kayo. Umayos kayo. ^_^

Third.. to my friends..

Ate Sarah, hindi pa tayo naguusap ulit. Pero alam kong kakausapin at kakausapin mo ko kapag nagkatagpo tayo. Some of our Leaders, alam na kung gaano ako kaatat na umalis, but your always there to block my way... and I love it.. coz' you always made me feel na may dapat pa kong ibigay sa Lord. Pero yung last awat mo, di na gumana.. I'm ready na kasi talaga.hehe.

Kuya Ryan T., when Kuya Jeof and Ate Len leave the church, kayo ang pumalit sakanila, alam kong mahirap, alam kong nahihirapan din kayo, that's why as much as possible ayoko ng dumagdag pa sa iiisipin niyo, ayokong dagdag pa ko sa aalagaan niyo, kasi alam ko isa rin ako sa naiwan, isa rin ako sa na-trained.. kaya hangga't maaari, kahit anong ipapagawa niyo, gagawin ko para mapagaan lahat. Sorry, kasi may pagiinarte akong ginagawa kapag kailangan sumayaw, e kasi ayoko talagang sumasayaw. But for the Lord and for my respect for elderly, I will take away the Kaye-Kaye who can't dance but can step up for the Lord. Kuya Ryan, like what other Leaders did, your always take out the best on me. Kahit ayoko. haha. Thanks, Kuya Ryan.

Kuya Noel, .... .... ... ... ..... ..... .... ... ... ....... .....  ganyan tayong dalawa, nagkakaintindihan kahit walang salitang lumalabas. Tapik lang, okay na, Hi-Hello, ayos na. If do you think wala akong masasabi sayo kasi hindi naman tayo close o naguusap talaga like everyday or every Sunday, may impact ka pa din sakin kuya, kasi you teach me how to translate harsh words to a nicest words...and you taught me how to be more mature in terms of dealing serious things. Mas natutunan kong magisip muna bago magsalita, mas natutunan kong mas maging matalino sa lahat ng bagay at kung paano i-appreciated lahat ng bagay kahit na maliit ito. Maraming salamat Kuya. ^_^

Kuya Frederick, you will always be my "YABANG METER", hindi dahil mayabang ka, kasi HINDI naman talaga. Nasabi ko lang yun kasi ganun ang tingin ko sayo, sa tuwing may naa-accomplished akong isang bagay for the Lord at nakakaramdam ako ng kayabangan, tignan lang kita, baba na ulit ako sa lupa. haha. Bakit? Ano ba nagawa ko compare sayo? Ano bang tapang ko sa pag-share ng God's word compare sayo? Sa boses mo pa lang talo na ko. HAHA. Lagi kang malakas, lagi kang maharot! Di ko alam kung energetic ka lang talaga o filled ka lang ng Holy Spirit.. but as long na sa  Lord mo ginagamit ang lakas mo, nakakasigurado akong Holy Spirit ang na sayo. Kuya, alam mo ba kung anong naturo mo sakin? Maging WEIRD, maging weird for the LORD. hehe. :D Ito na.. magStep-up na ko..  Kaye-kaye Version Two Point Ow.

Ate Frejerel... alam ko namang nami-miss mo na ko.. pero its time to give others a chance na kilalanin ka, hehe.. simula umpisa hanggang paglabas ko ng DCF, nanatili kang SIMPLE at TAHIMIK, maaaring hindi ma-notice ng iba how you grow spiritually, but I do. I saw how you stand firm sa lahat ng pinagdaanan natin sa K4C, sa lahat ng stress natin sa Bulletin, I saw how you grow, tignan mo ikaw na lang naiwan sa bulletin team.. hehe. You are very dear to me, why? Kasi ikaw sumasalo ng sama ng loob ko, sayo ko lang nasasabi lahat yun.. tapos magsasalo-salo na tayo sa sama ng loob, haha.. pero after nun, sasabihin mo sakin.. 'Ikaw, anong plano mo?', favorite line mo yan e. Well, anyways, parehas naman tayong kalma, pero mas kalma ka, kaya mas natuto akong kumalma.

To very charming Rhoa, I know how brave you are but sometimes being brave is not enough to deal every situation in life. All you need to do is KNEEL, just PRAY. Bugbugin mo sa prayer mga kailangan mo, para at the end, hindi ka na nga pagod, nagkaroon ka pa ng magandang moment with the Lord. Don't hesitate to ask Him or anyone for a help. Nagawa ka ngang Kristiyano Ni Lord e, WORK pa kaya? Just have a right perspective and behavior, everything will be okay. Basta will ng Lord, Siya ang magtutustos. ALL IS WELL under GOD's UMBRELLA. Stay cool.. be cool for the Lord. Andito lang ako sa paligid, text mo lang ako. Hanggat kaya ni Ate, reresbak ako, magpre-pray tayo.

To Kuya Andy... oy kasali siya.. haha.. Tol, ikaw lang ang bukod tanging tumatawag saking Miss Minchin, kasi ikaw lang ang may lakas-loob akong tawaging ganyan, di mo ba napansin na takot sakin mga kabataan? haha. Well, thanks for being honest, as always. Pero may mga salitang hindi na dapat sinasabi ha.. tulad ng "ang taba mo aling gereng", haha.. well, don't ever tell a girl that she's fat kasi may dalawang result yan maaaring ma-super conscious siya at bumaba ang self-esteem or sumama ang loob sayo.. respect pa din kahit super close na.. YOU ARE A MAN OF GOD, be A MAN with GODLY WORDS. okay ba tayo dun? haha, pinagalitan. Salamat ha, kasi napaka-expressive mo, hindi na ko nahirapan kilalanin ka. Hindi mo na ko pinahirapang kaibiganin ka. Salamat, alagaan si Rhoa ha at yung mga kapatid mo kay Kuya Noel (wag mainit ulo).

To Jenjen and Jumz, sana wag muna dumating ang araw na magiging isa na lang ang gift na matatanggap ko galing sainyo. ^_^ Well, I am very happy for the both of you, sa wakas. Hays, tagal natin hinintay to, kung saan-saan pa kasi naglakbay si Jenjen e, nasa harapan lang naman niya at naghihintay. I believed God prepare the both of you to enter that jungle I mean relationship.. and I believe you knew the do's and don't's.. basta happy ako sainyong dalawa.. ^_^

To Dan and Ryan, alam ko naman nami-miss niyo ko, kaya wala na kong sasabihin pang iba kundi, umayos kayong dalawa. Alam niyong last year ko pa kayo kinausap tungkol dito, kaya umayos kayong dalawa. Salamat sa Dan na halos male version ko, at Ryan na out-of-this-world ang kaisipan. I am happy that you are now both serving the Lord... magpatuloy lang ha. Wag maarte.

Well, yun na lang muna.. ay wait.. si Cado pala... this young man who always think na pinaglalaruan ko siya, hehe.. Kuya, proud ako sayo.. wag ka maarte. Sinusingitan lang kita kasi sarap mong sungitan, haha.. pero natutuwa ako sayo. Kung ano man ang nagagawa mo ngayon for the Lord, naniniwala akong may ilalabas ka pa, just be confident, kasama mo ang Lord sa bawat hakbang na gagawin mo. God bless, Kuya Cado.

Always remember that your always and always in my prayers at baon-baon ko lahat ng natutunan ko sainyo. Maraming salamat sainyong lahat, hanggang sa muli nating pagkikita. God bless!

Kaye.
Ate Kaye.
Teacher Kaye.
Sister Kaye.