My 2015 Timeline

JANUARY
Nag-El Nido
Ganda ng Pilipinas!
Ang hulma ng bawat isla ay mapapasabi kang,
Thank you Lord for Philippines.
____________________________


Nag-exit.
sakit pero oks lang para sa pangarap.
Mas mataas na rin kasi ung level nang sakit ng pag-stay kesa sa pag-alis.
At hindi dapat ganun.
____________________________
FEBRUARY
Tinanggap sa CCF ng buong-buo.
Lord lead me to this fellowship sa paraang hindi ko maintindihan.
____________________________

Nakilala ang aking bagong tagapag-alaga 
(Dgroup Leader)
na super understading. At nag-gagandahang ladies.
____________________________
MARCH
Nag-post ng ganito.
Maraming na-guilty at nag-sorry. 
Sakit kasi maraming nag-text at nag-sorry.
Sakit kasi kung sino pa pinagkatiwalaan mo
Sila pa ang tinamaan. Tokwa lang. :(

sometimes, makinig din sakin. wag naman one-sided. 
____________________________

Worship pa din.
kahit nasasaktan.
kahit nawalan na ng tiwala sa lahat ng tao.
kahit nahusgahan ka piliin mo pa rin
MAG-WORSHIP.
dahil ang tiwala na ibibigay mo sa Panginoon 
ay hindi kailanman matatapon.
____________________________

NAG-PATAWAD.
God knows my pain, but I need to obey.
This will be my greatest lesson for this year,
Ang magpatawad at mas magmahal ng katulad ng Kay Jesus.
____________________________

LABAN LANG.
Sa gitna ngiba't-ibang klaseng emosyon,
Wag kakaligtaan ang great commandment.
Wag gawing excuse ang hindi ka OKAY.
Dahil ng Si Jesus ang pinapako sa Krus, hindi niya sinabi na,
Bukas na lang ako magpapapako, hindi kasi ako okay ngayon.
____________________________
APRIL
DISIPLINA.
Dahil nga sa pangarap ko, kailangan kong 
disiplinahin ang aking sarili kahit sa simpleng
pagsusulat. ^_^
____________________________

Baby.
Ako'y naging Ninang ng batang ito.
Na hanggang ngayon di ko pa rin kayang spell ang name.
____________________________
MAY
Nag-TAGAYTAY.
Tagaytay ang pinaka-favorite place ko sa lahat ng napuntahan namin.
Kaya tuwing sasapit ang May.
Pumupunta ko dun kasama si Mamai Mae.
____________________________
Birthdays.
Dahil lagi siyang handang dumamay.
Dahil lagi siyang handang punasan ang aking mga luha.
Dahil lagi siyang handang aliwin ako.
She deserves a very special attention from me. 
SURPRISE!
____________________________

Birthday ko.
Hindi ko makakalimutang birthday celebration.
Dahil introvert akong tao, ayoko ng masyadong tao.
Ayoko ng atensyon, kaya hangga't maaari ayokong may nakakaalam ng birthday ko.
At yun ang binigay sakin ni Mamai Mae.
Surprise trip to Villa Escudero. 
Fresh air with fresh foods.
^_^

MAY celebrants kami parehas ni Mamai Mae kaya hangga't maaari kailangan magkasama kami kasi sabi ko. hehe.
____________________________
JUNE
Muni-muni.
Dahil sa napagod na ko sa mga bagay-bagay.
Ako'y pansamantalang nagpahinga mula sa napaka-gulong mundo ng tao.
Maraming mahirap intindihin sa mundo.
At ang pinakamahirap intindihin sa lahat ay ang mga tao.
Mga taong biniyayaan ng mga mata, kamay, paa, utak at puso.
Pero dahil may natutunan ako. Unti-unti kong natututunan kung paano
umintindi sa mahirap makaintindi. intindihan mo?
____________________________
JULY
NAG-CDO.
Choose to chance the rapids and to dance the tides.

Safe and sound.^_^
Super blesssed. 
Asia's longest zipline.
Mejo na-hyper ako sa pagpapatakbo nito at muntikan na kami mahulog sa bangin. ^_^

I am so blessed because I have given a chance to experienced the extreme adventures at my young age.
Thank you Father for Philippines. Thanks Mamai!!!
____________________________
AUGUST
RECONCILIATION
Sa pagpapatawad dapat lahat ng kasalanan sa isat-isa ay "DELETED FOREVER" na.
At sa pagpapatawad dapat inaayos at hinihigitan kung anong klaseng pagsasama meron kayo noon.
Ika nga ni Frejerel; "Friends Forever"
I highlighted this event kasi dito ko na-apply yung natutunan kong:
"FIX RELATIONSHIPS, LOVE LIKE JESUS"
feeling ko nagLevel-up ng dalawang line ung grown-up meter ko. achichichi.
____________________________
SEPTEMBER
At dahil sa sunod-sunod na pagpapatawad ang naranasan ko.
I decided to attend True Life Encounter 1 Retreat in CCF, nung una ayoko pa, isip-isip pa ko.
Pero dahil hindi ako tinantanan ng LORD, gulat na lang ako nagre-register na ko. hehe.. Ang dami kong natutunan, ang daming bago, lahat ata bago sa utak ko. feeling ko ni-reset ng LORD memory ko dahil walang yabang na alam ko na yan, alam ko na yun, tanggap lang ako ng tanggap na parang baby christian ulit ako. Sarap sa pakiramdam, parang pati dugo ko pinalitan ng LORD sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. 
At dahil sa pag-attend ko sa retreat, nakilala ko ang aking mga bagong kapatid. Sina Joy, Anna, Joanna, Ate Jhie and Ate Aves. Nakakatuwa kasi ilang months na kong labas-pasok sa CCF, tapos lagi pa ko mag-isa sa Dgroup namin, kaya para akong only child na nabiyayaan ng mga kapatid nung nakilala ko sila. Hehe. Bagamat dalawang araw lang kami pinagdikit-dikit, ay naging komportable kami sa isat-isa at nagbigay ng tiwala sa isat-isa. Sobrang nakaka-miss ang may ka-fellowship sa loob ng church. Nakaka-miss yung mable-bless  ka sa mg testimonials nila. Sobra akong na-bless sa mga ladies na to. Tulad nga ng sinabi ko sakanila, "anong ginawa niyo sakin? hindi ako nakakaramdam ng ganito dati". 

_________________________________
OCTOBER
ANG PAGBABALIK.
Pagkatapos lahat ng pangyayari, ako'y fully recovered at 
handa na ulit mag-serve through kids ministry. ^_^
_________________________________
NOVEMBER
Na-mundok.
(@Pico De Loro)
Knowledge is like climbing a mountain.
The higher you reach, the more you can see and appreciate.

Naka-2 years na sa work.
Yes, 2 years na kong nagtra-trabaho.
But I can still say that I am not corrupted.
Work is work, though you love it, work will never love you back.
At napatunayan ko yan. Hehe.
Blessed ako sa work ko, but I guess its time to move to greener pasture. ^_^
_________________________________
DECEMBER
Nag-Pasko.
Dahil ang goal ko talaga ay makasama sila ngayong Pasko.
Ang oras sa pamilya ay mas mahalaga.. yup.. mahalaga.
Try to improve this next year. hehe.
_________________________________

That's it folks, for me I have a great year. 
Nasaktan man ako sa mga desisyong ginawa ko,
may blessing naman sa desisyon ko.
I never run away from God.
My decisions lead me more closer to God.
And God lead me to right people who can help me to pursue Him even more.
And I thank Him for that.
I thank Him for this year, I thank Him for not leaving me.
I thank Him for the grace, mercy and His stubborn love for me.

Madalas man ako pumapalya,
Tapat pa rin ang PANGINOON sakin.

Ang dami kong natutunan tulad na lang ng TOTOONG KAHULUGAN ng mga sumusunod:

*Tignan ang lahat ng tao kung paano sila tignan ng Panginoon, be graceful.

*PAGPAPATAWAD, yung hindi basta ka lang nagpatawad, ayusin ang relasyon sa mga nakasamaan ng loob.

Kung may nabasa kayong sakit-sakit from January-March, hanggang doon lang un, ngayon habang binabasa mo to, I am better than ever. Hehe. 
Minahal ko ang proseso ng Panginoon kung paano Niya ko pinagaling, pinalakas at muling nakatayo. Sa darating na bagong taon, uhm.. excited na ko! 

Maraming salamat sa lahat ng naging part ng buhay ko simula 1991. ^_^


HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

(humaba masyado kasi 1 month kong ginagawa tong pagbabaliktanaw)