FAREWELL NA BA?

Noon hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng salitang kaibigan.
Wala nga akong maituring na matalik na kaibigan, kasi hindi ko alam kung paano makipagkaibigan.
Sanay akong walang kasakasama, walang kausap, sa madaling salita mas gusto ko magisa.
Hindi ko rin kasi gusto ang nakikipagusap, wala akong pakielam sa mga tao sa paligid ko.


Laking pasasalamat ko sa Diyos nang ipakilala ka Niya sakin.
Hindi ka lang basta pinakilala, ginawa pa Niya tayong magkaibigan.
Tinuring kita higit sa isang kaibigan, minahal kita bilang kapatid.
Natagpuan ko sayo ang kalahati ng sarili ko, salamat dumating ka sa buhay ko.


Sa tuwing magkasama tayo, sumasaya ako.
Humalakhak, ngumiti, at maging malakas ang natutunan ko sayo.
Hiling ko noon sa Panginoon na mas lumalim at tumibay pa ang ating samahan bilang magkaibigan.
Hindi naman Niya ko binigo, mas napalapit ka sakin, mas minahal kita katulad ng pagmamahal sa sarili ko.


Natutunan kong dumepende sayo, kung ano desisyon mo, ganun na din ang akin.
Mapasaya lang kita, ayos na ko. Hindi ko gustong nasasaktan ka nang kahit na sino.
Parang tinutusok puso ko sa tuwing nakikita kitang lumuluha, napakaiyakin mo kasi, badtrip ka! haha!
Nagtatapang-tapangan ako sa harap mo, ayoko kasing nakikita mo kong mahina. arte ko no? haha..


Unti-unti hindi na kita maramdaman, walang text, at hindi na tayo ganoon nagkikita.
Dumating rin yung mga araw na hindi mo ko pinapansin.
Alam mo ba kung gaano kasakit yun?,  Ang sakit-sakit kasi hindi ko alam kung ano dahilan bakit dumidistansya ka sakin.
Sumulat ka sakin parang ewan taga probinsya ka ba? haha.. sabi mo sa sulat baka gusto ko ng space.. ano tayo magkasintahan, para humiling ako ng space?..


Lalo akong nasaktan nang sinabi mong nagsasawa ka na.
Tanong ko; saan ka nagsasawa? sabi mo palagi na lang tayo magkasama..
Dahil sa nagsawa ka at halatang ikaw ang may gusto ng space binigay ko yun., pero ano naman naramdaman mo nung lumayo ako.
Nagtatanong ka bakit hindi kita pinapansin, para ka talagang ewan, sabi mo nagsasawa ka na diba.. hays.


Nagtuloy-tuloy ang hindi mo pagkausap sakin, laging dedma mga text ko.
Pagnagkikita naman tayo wala akong matinong sagot na nakukuha sayo.
Hindi mo alam kung ano nararamdaman ko sa tuwing may nagtatanong sakin kung ano na nagyayari sayo, wala kasi akong maisagot.
Nagmumukha tuloy akong walang pakielam sayo, ang sakit nun, akala nila wala akong ginagawa para makausap ka!
Hindi nila alam para na kong tangang naghahabol sayo!


Muli kang nagbalik na parang wala lang, sige ayos lang ibabaon ko na lang sa limot lahat ng nangyari.
Pinasaya mo ko ulit, narinig ko ulit mga tawa mo, at lahat ng pangboboka mo.
Nakasama kita ulit, yes, ang saya kasi may partner na ulit ako.
May kalakhakan na naman ako, na-miss ko yun, ang tumawa... na kasama ka.


Muli binigyan tayo nang pagkakataon ni Lord na magkasama at magkausap.
Pero sa pagkakataong ito, iba na, wala nang biruan.
Sinabi mo sakin naguguluhan ka na sa mga nangyayari at hindi mo na alam ang gagawin.
Sabi mo aalis ka na, sabi ko ayos lang, handa naman ako, desisyon mo yan.

1 comment:

  1. MADAMING QUESTION MARK.. PERO NAIINTIDIHAN KO NA. AKO PA! HAHA

    ReplyDelete