Sana Isang Araw Magising Na Lang Ako Na Katabi Ka

Hindi ko alam kung ano nakita ko sayo.
Hindi ko alam bakit iba nararamdaman ko kapag kasama kita.
Hindi ko alam bakit masaya ko kapag kausap ka.
Ikaw na kaya ang nakabihag ng puso ko? (ewww) ^___^

Makita lang ang iyong ngiti, problema'y nawawala.
Marinig lang ang iyong boses, puso ko'y sumisigla.

[kailangan ko ba talagang gawin to? haha]

Binibigyan mo ng kulay ang buhay ko.
Wala kang katulad sa mundong ito.

Isa na lang sigurong pagkakamali kung iiwasan kita.
Minsan mo na rin sinabi na may nararamdaman ka para sakin,
Hindi pa ko handa noon, pero ngayon mas lalong hindi. [haha]
Pasensya na kung hindi pa talaga kita kayang saluhin.

Makasarili ba ko?
Sakim?
Walang puso?
Meron naman bato nga lang.

Aaminin ko gusto kita. [yuck, haha]
May nagmamay-ari na kasi ng puso ko at sya ang aking mahal. [baduy]
At SANA ISANG ARAW MAGISING NA LANG AKO NA KATABI KO SIYA.




[YES, NATAPOS DIN!]

No comments:

Post a Comment