UNTITLED


Buhay ko noo’y, walang kulay,
Kuntentong sa kwarto ay nakahimlay.
Apat na sulok ng silid walang sawang pinagmamasdan,
Habang ang paligid ay pinakikiramdaman.

Pagbabasa at pagsusulat ang nakahiligan,
Kaya’t mga gawaing bahay nakakaligtaan.
Kalaliman ng gabi ang paboritong oras,
Sapagkat sa mga tao ako’y iwas.


Mga kasama sa tahanan ay hindi inakalang mag-aalala,
Sila pala’y nagiisip ng mga paraan para aking katahimikan ay mawala.
Lahat sa akin ay binigay ng mga butihing magulang,
At sa pag-gabay kailanman hindi nagkulang.

Hesus Kristo ako ay hindi pinabayaan,
Na makulong sa kwartong binalutan ng kadiliman.
Sa aking silid ako ay kanyang nilabas,
Upang aking katahimikan ay magwakas.


Nang magbalik loob sa Panginoon,
Tuluyang iniwan ang buhay noon.
Sa bawat umaga na haharapin,
Presensya Niya ang hahanap-hanapin.

Pero sandali may naaninag ako ang Holy Book,
Patawarin ako dahil ito’y punong-puno ng alikabok.
Buhay ko ay iyo nang binago,
Ngayon Iyong salita ay akin ng pagaaralan at isasapamuhay para ako ay lumago.

Simula ng aking iwan ang dating gawi ng buhay at nagdesisyong sumunod Sayo,
Mga biyaya Mo ay umaapaw, kaya Sayong piling ay hindi na lalayo.
Pagmamahal Mo sa akin ay walang makakapantay,
Kaya ngayon aking buhay ay handa nang ialay.

Kaya eto Panginoon para Sayo:
Buhay ko na ang purihin ka.
Buhay ko nang Sayo’y sumamba.
Wala nang ibang nanaisin pa,
Kundi pasalamatan ka!
EUphoric

No comments:

Post a Comment