Masasabi kong hindi ko talaga malilimutan lahat ng pangyayari noong sinalanta ng bagyong Ondoy ang Pilipinas. Aking pagkakatanda noon bago pa dumating si Ondoy nakapanood muna ko ng movies na patungkol sa mga disaster tulad na nga lang ng The day after tomorrow at ang isang movie rin na hindi ko maaaring makalimutan ay ang The Flood, dalawang beses ko pa nga inulit yun kasi natutuwa talaga ko sa mga pelikulang ganon. Kung hindi niyo pa napapanuod ang The Flood panuorin niyo na kasi parang ganun ang nangyari samin noong bumaha dito samin. Hindi ko alam kung sadyang tanga lang ang mga operators ng Dam at pinagsabay-sabay nilang buksan ang mga ito, bumaha tuloy ng sobra.
Ano nangyari noon?
Maghintay ka, kwekwento ko na oh! haha..
Malakas ang ulan ng araw na yon ang bigat sa pakiramdam nakakatamad bumangon, pero dahil may training ako nun sa Java Programming kailangan ko bumangon, pero sa sobrang lakas ng ulan hindi ko na talaga binalak pang lumabas ng bahay. Natulog na lang ako ulit parang wala lang. Nagising na lang ako mga 10:30 am? dun na nagumpisa ang lahat. Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng speaker ng computer, magagalit na sana ko nun sa kapatid ko pero wala pala sya dun, so ako ang umupo sa harap ng computer at ako muna ang naglaro. Peste wala pa kong 30 minutes nakaupo dun binulyawan na ko kaagad ng pinsan ko na magligpit ng gamit namin, nagtanong pa nga ko nun na may kasamang pagtataray at nakataas ang kilay, gulat kasi ako e, pagligpitin daw ba ko? adik ba to? haha.. pero nung sinabi nyang BUMABAHA na! ayun nataranta na ko.. syempre ako lang nasa bahay nun, ay hindi pala andun pala si kuya naliligo, lumabas lang sya ng CR ng may lumalabas ng tubig sa drainage, YUCK daw kasi, arte?.. haha.. ayun pagkasilip ko sa aming bintana takte ang taas kaagad ng tubig! wOooHooOoo....
Mabilis ang pagtaas ng tubig wala pang dalawampung minuto lagpas tao na kaagad! Ano na naman ba tong nararamdaman ko, parang natatakot ako. hahai. Laking pasasalamat ko sa Diyos at hindi man lang ako nagalusan ng kahit na kaunti sa pagharap ko sa malaking tubig, hindi lang kasi tubig kalaban ko nun habang sinisikap na maisalba ang aking buhay andyan na rin kasi yung mga naglalakihang kahoy at mga bakal na hindi ko malaman kung saan nagmula.
Nang makarating na ko sa Mount Everest ayyy sa bahay pala ng tita ko nakita ko mula sa bintana kung gaano na kataas ang tubig. Napagtanto ko na rin na ang aming buong bahay ay lubog nasa tubig tanging cellphone ko lang at ipod ang naligtas, haha.
Pinagpala pa rin talaga ko ng mga panahong yun kasi nasa loob ako nang bahay nakakatulog pa rin habang naghihintay na bumaba ang tubig, hindi ako natulad sa mga kapitbahay kong mga nasa bubong at nababasa ng ulan. Oo, nasasaktan at naaawa ako para sakanila, mga kaibigan ko yung mga nasa labas, wala akong magawa kundi tignan na lang sila habang nananalagin. Sa kadahilanang mabilis ako mainip nagbilang na lang ako ng mga kotseng inaanod. wew haha.. 9 cars ata nabilang ko nun at mga tindahang inaanod. Pagkatapos magbilang kinamusta ko naman ang aking Cellphone ayun sa kadahilanang nabasa pala sya hindi ko pa pinipindot eh kung anu-ano na ang lumalabas, haha. wawa naman cp ko. Nang maubusan ng baterya yung cp, ipod naman ang aking pinagtripan ayos naman sya binalot ko kasi sya ng todo-todo mahal kasi yun baka ibigti ako ni mama kapag nalaman nyang nasira yun, haha. Pinagpala ako ng lubos-lubos nuh? Laking pasasalamat ko talaga at wala ako sa labas at nababasa ng ulan.
Gabi na lumalakas pa lalo ang hangin at ang ulan naguumpisa na namang lumakas. Aaminin ko nagalit ako kay LORD nun, para kasing hindi Nya ko pinapakinggan at sigurado naman akong hindi lang ako ang nananalangin nung mga panahong yun, marami kami. Maga-alas otso nang manahimik ang paligid, nabasag lamang ng nagsigawan na ang mga tao hindi dahil magugunaw na ang mundo kundi bumababa na ang tubig, nakahinga na rin nang maluwag, nagpasalamat ako kay LORD nun at humingi rin ng tawad kapal ko kasi e, hindi naman tamang magalit ako Sakanya, nakalimutan ko kasi Diyos nga pala Sya gagawin Niya kung ano ang nararapat.
Umaga nang makita ang epekto ng baha sa lugar namin, nagulat din ako sa naging itsura nang bahay namin, sadyang kaawa-awa. At habang nanghihinayang ang lahat sa mga nawala nilang kagamitan ako'y nanatiling nakakapit sa pangako ng Diyos na "my God will meet all your needs according to his glorious riches in Christ Jesus" Philippians 4:19 at bakit ako mangangamba kung sinabi rin ng Diyos na "Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more important than food, and the body more important than clothes? 26Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they? 27Who of you by worrying can add a single hour to his life[b]?" Matthew 6: 25-27.
Pagkapit lang kay LORD ang tanging naging lakas ko ng mga oras na sinasalanta kami ng baha. Kahit nasa kalagitnaan ako ng kalamidad patuloy pa rin Sya sa pagbibigay at patuloy akong iniingatan hindi lang ako kasama na ang aking buong sambahayan.
No comments:
Post a Comment