HAGGARDNESS...

Two weeks kami halos pinagod sa mga activities.

Una, ginawa kaming Sports Commitee para sa SportsFest. Ayoko na maulit yun, hehe. 1 week kami nakababad sa ilalim ng araw, mula umaga hanggang hapon, walang patawad. Sinasabi ko to hindi dahil umaangal ako, kundi pasalamatan yung dalawa kong Prof. na nagtiwala sa section namin. hehe. Nakakapagod at nakakagutom pero ayus lang kasi hindi naman namin masyadong pansin dahil na rin siguro sa kalokohan at kulitan namin. Parang mga batang hindi nauubusan ng kakulitan.



Ayan super negra na kami pare-parehas!
Natapos naman ang SportsFest ng masaya at matiwasay. ^_^

SEPTEMBER 13-17, 2010
Isang linggo rin na nakakapagod. Walang katapusang paghahanda para sa 'History Week'.
May first time na naman akong ginawa dito. Nagsayaw ako sa harap ng maraming tao. Iww talaga. Short-shorts ang suot, sana mapatawad ako ni Lord dito, hehe. Nag-apply ng make-up ng kaunti para na rin sa pakikisama sa grupo, haha. Napasubok talaga ko dito. Masaya naman kahit papano, may nasubukan akong iba, lumabas ng kaunti sa shell, pero bumalik ulit pagkatapos magsayaw, ayoko talaga nun! haha.


1 comment: