MASARAP O MASAYA BA MA-INLOVE? ANO FEELING? CURIOUS LANG AKO.. HEHE ^_^

Ang aga ko nagising, hindi dahil sinikap kong magising nang maaga, nagising ako dahil sa lakas ng katok sa pintuan ng kapatid ko. (asar) Bumalik ako sa pagkakahiga pero sa kasamaang palad hindi na ko makabalik sa pagkakatulog. (asar ulit) Naalala ko may dapat palang tapusin na articles na hindi ko natapos kahapon dahil sa pinagbigyan ko ang kagustuhan ng aking mga mata na makanuod ng movies. Habang nagiisip ng idudugtong sa article na ako lang ata ang makakaintindi, nakinig muna ng songs baka ma-inspired at makapagsulat. 


Nanumbalik na naman ang pagiging curiousity ko sa love... ano ba feeling ng inlove?  Totoo lang gusto ko ma-try, pero kapag andyan na... ayoko na! haha.. Hindi ko man lang hinahayaan na mainlove talaga ko, tamang makaramdam ako ng care sakanila, ayos na ko. Friends kung friends, hindi ko na pinapalagpas sa salitang friends, kahit na sa umpisa pa lang alam ko na ang patutunguhan.


At sa totoo lang wala na talaga ko maidugtong pa dito! hehe.. Kapag love talaga pinaguusapan wala talaga kong kainteres-interes! Ahhhh, wait! Kakabasa ko lang ng messages ko sa cp share ko lang yung na-receive kong message about sa pagiging inlove.


Eto ang sabi........


It DRIVES you CRAZY.


It MAKES you MAD.


It MAKES you JELOUS.


It MAKES you SAD.


It CAUSES SLEEPLESS NIGHTS


It BREAKS your HEART.


Kung yan lang din naman magiging causes ng pagiging inlove pipiliin ko na lang mahalin ang sarili ko. haha.. Ayoko pa mamatay, marami pa kong pangarap. Tamang hihintayin ko na lang si Mr. Right, alam kong matatagalan, pero handa akong maghintay at hindi iaalay ang aking precious heart sa kung kani-kanino lang.

No comments:

Post a Comment