Is that a question? or I need to answer pa ba? hehe.
Of course! I love my Creator. Why?
Coz He made me, kaya nga Sya Creator e. =)
Seryoso... I love Him because He gave His only begotten Son for me and you to save.
That's the reason why I love Him.
I love Him in different ways, I love Him as a Father of mine.
He carry my sorrows and lift me up everytime I fall.
He quiets my soul and heart. When I am weary; He give me rest,
When I am sad; He comforts me, when I am weak; He make me strong.
In this life of mine God never leaves me, He's always there.
He's watching over me wherever I go.
Truly, He is the Only Father I ever known.
Jesus, died for me. He crucify for my sins.
I thank God for loving me that much.
Now, I want to live my life for Him alone.
I will be a doer of His words, I will spread the good news.
I will follow Him.
All of my days I will give Him praise and worship.
September 9, 2010; Thursday: DAY 2
Magandang Umaga, Tanghali, Hapon at Gabi sa inyo!
Panibagong araw na naman ang pinagkaloob sa atin ng Maykapal kaya dapat tayong?
MAGPASALAMAT dahil buhay ka pa at nababasa mo to. ^__^
Start na ko sa pagkwe-kwento.
Sa UMAGA:
tulad ng dati, wala naman akong ginawang kakaiba. hehe.
Hindi ako pumasok ngayon sa kadahilanang huling araw na to ng bakasyon ni Mama, balik na ulit sya sa Kuwait para magtrabaho. Ang plano kong maka-bonding Mama ko ay hindi naganap dahil sa mga friends nyang maya-mayang nagsisidatingan, pagkatapos ng isa, meron ulit, walang katapusang chismisan, haha! Dahil ayokong nakikisali sa usapan ng matatanda, humarap na lang ako sa laptop at ito ang aking pinagbalingan ng atensyon na dapat ay para kay Mama. Hindi ko masyadong naging trip ang umaga.
Sa TANGHALI:
Nakatulog ako dahil sa kabadtripan, at nagising dahil sa ingay ni Vice Ganda.
Meju mabigat pakiramdam ko paggising, palagi naman. haha.
Ayun, facebook ulit, nayaya ako ni Ate Mae manuod ng sine. Sama naman ako.
Wala rin naman ako gagawin e, saka hindi ko rin naman makausap si Mama dahil sa daming eps na kumakausap sakanya, kaya sumama na lang ako.
Sa HAPON:
Habang naghihintay ng oras, kumain muna ko ng kung anu-anong pagkain na makukuha ko sa kusina.
Puro cupcakes, kaya nagkasakit-sakit na naman sikmura. May kausap pa rin si Mama mga pinsan ko ata sa side niya, hindi ko din kasi kilala mga kamag-anak ko sa mother side e, wala rin kasing balak ipakikilala samin. Natulog na lang ulit ako para may lakas sa panunuod. Hindi ko na naman namalayan ang oras malamang kasi tulog ako, diba? haha. Ayun, late ako sa usapan, palagi na lang ata, wew. ^_^
Sa GABI:
eto na ang pinakahihintay ni Bochog, ang manuod ng Despicable Me, hehe. dami kong nakitang symbols tulad na lang nito:
Puro cupcakes, kaya nagkasakit-sakit na naman sikmura. May kausap pa rin si Mama mga pinsan ko ata sa side niya, hindi ko din kasi kilala mga kamag-anak ko sa mother side e, wala rin kasing balak ipakikilala samin. Natulog na lang ulit ako para may lakas sa panunuod. Hindi ko na naman namalayan ang oras malamang kasi tulog ako, diba? haha. Ayun, late ako sa usapan, palagi na lang ata, wew. ^_^
Sa GABI:
eto na ang pinakahihintay ni Bochog, ang manuod ng Despicable Me, hehe. dami kong nakitang symbols tulad na lang nito:
ang tawag dito ay Minion, anung symbol meron sya? "ONE SEEING EYE".
Umpisa pa lang ng movie marami na kong nakitang symbols, sineryoso ko yung movie, oo, may nakakatawang scenes pero wala kong care, hindi ko na- appreciated hehe. Again they promoting some stupid messages about New World Order. Tama bang napanuod yun ni Bochog? haha, anu ba malay nun dun? hehe. Naging sensitive lang talaga ko sa movie, siguro sa mga nakalipas din nA movie na napanuod ko may signs din, tulad ng kinaaadikan kong Shrek, mantakin mo meron pala yun? hahai, sabagay may Magic effect din. Na-enjoy ko rin naman yung movie kahit may mga nanggulo sa cellphone ko, mga importanteng text na hindi naman para sakin.
BOCHOG
Super enjoy kasama si Bochog napaka-behave na bata, napaka-masunurin pa. lahat ng pinagaya ko sakanya nigagaya niya, haha. Malayo sya kay Prince pagdating sa attitude si Prince kasi kahit hindi kilala nagpapapansin na, samantalang si Bochog kailangan mo pang asar-asarin para lumabas ang tunay na pagkatao, haha. Mahilig ako sa bata pangarap ko kasi na magkaroon ng little brother or sister, para may makutusan haha, hindi na siguro mangyayari yun, di bale anjan naman si Prince sya na lang. hehe..
Baka naman magselos sila Ate Mae en Ate Jes hindi ko sila na-mention.
Ate Mae and Ate Jes
Ayun sina ate? ok lang sila kasama..end! haha. juk!
Super happy ako everytime na nakakasama ko sila at nagkakaroon ng bonding. Mas nakikilala ko sila at ganun din sila sakin, siguro? haha. Nagtataka lang ako bakit sila mas close ko kaysa sa mga ka-level ko? haha. malay ko din kay Lord bakit ganito ang nangyayari sunod na lang ako sa flow, masayang happy naman e. So blessed to have them. Tinupad nila pangarap kong magkaroon ng ATE, wala kasi ako nun as Kapatid.
Sila Ate na, Kapatid pa, Best Friends mo pa. San ka pa?, sakay na! haha.
Ayun lang antok na ko.
Day 1 September 8, 2010
Maaga na naman kaming pinapunta ng Main Campus para magbantay ng mga players, yan ang isa sa mga trabaho ng Sports Comittee. Ayun aga-aga kung anu-ano napagkikita ko. haha. Sa bus pa lang matatawa ka na e. May nakasakay kasi akong lalake, ang laki ng katawan.
Eto si Manong. |
di ba ang laki ng katawan niya? haha... anu naman meron sakanya bakit ako nahiwagaan sakanya at pinagaksayahang kuhaan ng picture. eto oh:
nagulat kasi ako sa paa niya maka-Villar. haha! pagkalaki-laki ng katawan sabay kulay orange ang kuko! ganyan na ba ginagawa sa mga bagong laya? hahai. sama-sama ko. wala kasi ako magawa e sensya na manong kaw napagtripan ng malikot kong pagiisip.
365 Days Project.
Bukas na umpisa ng project.
Nagtataka ka ba kung para saan ang project na ito?
Malamang hindi, pake mo ba, diba? haha.
Anyways sagutin ko na rin lang yan para sa mga magtataka.
Hamon ko lang sa sarili ko yan.
Starting tomorrow lahat ng ipo-post ko e may kabuluhan.
At dapat makatotohanan.
Post ko lang yung mga major happenings na magaganap sakin per day.
Kaya nga naman kasi tinawag na blog to di ba? hehe.
Hindi rin kasi ako mahilig magsulat o magkaron man lang ng diary.
Na-inspired lang ako sa sinabi ni Pstra. Jen.
"HINDI LAHAT MAAALALA MO, YOU SHOULD TAKE NOTES"
totoo naman di ba? kaya rin naman tayo nahihirapan sa pagre-review para sa exams kasi wala tayong notes na simpleng magpapaalala satin ng mga na-lecture. kaya ayun, eto ako maguumpisang hamunin ang sarili, susubukang ibahagi lahat ng maaaring maganap sakin sa mga darating na araw. Sana magawa ko ito.
September 04, 2010- Saturday...
hmmm.. hmmm.. hmmm..
ayun nandito na naman magta-type ulit para may laman blog na to, sayang naman.
share ko na lang sainyo kung anu naganap sa araw na to.
Sa Umaga:
Tamang gising lang, nagpasalamat sa panibagong araw na nagising at kalakasan na meron ako.
Maagang bumangon para makapagbasa ng God's Word, mas maaga mas masaya para mas maraming mabasa.
Pagkatapos magbasa at magbulaybulay, eto, check na ng e-mails en tumambay sa facebook.
(habang kumakain ng kung anu-ano)
Ah! Bago ko makalimutan, nagwalis ako ngayon at nagFloor wax ng sahig malamang kaya nga floor e. haha.
Proud naman ako sa ginawa kong ito kasi minsan lang maganap yan, palakas lang kay mama, hehe.
Pagkatapos maglinis upo ulit sa harapan ng computer, nagbasa ng mga articles, tinigilan ko muna magbasa ng mga patungkol sa kabalastugan ng mundong to, kung magbabasa naman ako gusto ko may katabi akong sasagot para matapos kaagad ang confusion. wew.
After magbasa, comment, comment ulit. Piling mga tao lang naman mga kinakausap ko pagdating sa comment, piling-pili lang din kasi yung mga makakakita ng wall ko en ng mga ipo-post ko, kaya pinagpala ka nang lubos kapag nababasa mo post ko. haha.
Sa tanghali naman:
Ayun, nananghalian ng Hotcake, haha, masarap naman binuhusan lang naman ng sandamukal na asukal at sangkatutak na gatas, sensya walang syrup. haha. Ayun, busog, sabog! haha.
After kumain nanuod ng kung anu-ano with my brothers en with my dearest mom. Habang nakikipagharutan kay boy baboy Prince, pamangkin kong kulot salot na walang ginawa kundi magkalat, manggulo, mangagaw ng PSP kala mu marunong, hindi naman! Hmpf! Hindi na tayo bati! haha. Sakanya ko nakuha yan, hehe. Nagtataka lang ako kapag ako nagagalit sakanya wala syang reaksyong binibigay sakin kundi pagtawa! asar. haha. Di bale kapag lumaki-laki pa sya pede na makutusan, haha.
Nakipag chat din ako kay Tita, actually hindi naman talaga ko kausap nun si mama talaga, ginawa lang akong taga-type. Grabe andaming sinabi ni mama pero yung unang sinabi lang niya natata-type ko, ambilis naman kasi masyado. ^__^
Bawi-bawi ako kay mama naging busy kasi dahil sa exams ginawa pang Sports Committee section namin kaya busy talaga. This coming week, last week na ni mama sa pagbabakasyon, week din kung saan mas kailangan kong tutukan mga players ng branch namen, tatakas na lang siguro ko para makauwi kaagad.
Natatakot nga ko sa pagalis ni mama, ewan ko ba. Sya lang naman kasi nakakausap ko ng matino sa bahay, pero ayos lang anjan naman si LORD hindi ako iniiwan. Sanay na rin naman ako sa pagiging kulang, sanay ako sa kalungkutan, naks drama, haha. Depende na lang ako kay LORD, masaya na ko Sakanya. ^_^
Sa hapon:
Pagkakaalam ko nakatulog ako 1 hour before YA, kaya ayun pagGising sama ng pakiramdam, ambigat at ayaw ng bumangon pero nilabanan ko at ayoko rin maging hadlang yun para hindi maka-attend ng YA.
Sinamahan ko muna si mama sa walter para magWtihdraw, habang nakapila kami biglang namatay ilaw, tas nagkaron ng sabayang pagsigaw, haha. First time lang mangyari sakin yun. ayun share lang. haha
Syempre late na naman ako sa YA, naguumpisa na ng dumating ako.
Tungkol sa iba't-ibang version ng bible yung topic, nasagot naman yung tanong ko, totoo nyan last week pa nasagot advance e, haha. Dikit-dikit lang sa leaders, natuto na. wew. Pagkatapos ng session naglaro, syempre sino pa mananalo? e di grupo ko ulit. haha.
Pagkatapos ng sevice evaluation, comments sa Emcee en Word lang naiintindihan ko kapag about sa PW wala na, lumilipad na isip ko. haha. hindi ko sila ma-gets e, blending ng guitar, smooth ng tunog, wew, hindi ko napapansin yun, haha, hindi ko rin naman kasi pinapansin kung maganda o hindi basta para kay LORD ayus lahat. Hindi naman naghahangad si Lord ng sobrang ganda e, kung ano lang yung kayang ibigay tatanggapin naman Niya, simple lang naman si Lord. ^___^
Sa gabi:
Pagkatapos ng YA, sumama ko sa house nila ate jes, birthday ni Bro. Bonnie.
Super enjoy sa byahe kahit mejo suffocate sa bus at tinapaktapakan paa ko, hindi ko na sila bati! galit ko na sila, haha. Sarap magpa-swaySway, hehe, grabe sikip talaga dun sa bus first time? hindi ako makaMove-on. haha. Ayun, pagkababa kala ko malapit na kami sa house nila ate, yun pala, haha, dulo talaga ng mundo bahay nila, ang layo. Enjoy sa tricycle, duguan tenga ko, haha. Ayun nakarating na kami sa house nila, nakilala ko si Duke para syang linta na may paa, haha! Ayaw ko sakanya tinititigan niya kasi ako, hindi pa ko available ngayon ayaw ko pa ng commitment. haha.
Ayun, kainan, sarap, sarap, habang kumakain nanunuod sa napakaseksing si Jessica Soho, naglaro din paunahan makahula? ng commercial, syempre sino pa panalo? e di si Ate Mae, haha, sorry talo ang inyong lingkod, bawi ako next time kabisaduhin ko lahat ng commercial, haha.
Syempre ano pa ba mangyayari pagkatapos ng lahat, e di uwian na.
Sakay ulit sa tricycle mas matindi ang sakit sa tenga!!! hindi ko na bati yung tricyle na yun! haha.
Sakay ng Bus, hindi na katulad ng nauna mas komportable, malaya kang makakahinga. haha. Enjoy ako kausap si Ate Mae. Sya lang naman kasi kakausapin ko waha!
Pagkauwi ko sa bahay takte naka-lock pintuan dumaan tuloy ako sa bintana, parang ewan lang. haha.
Habang naghihintay sa mga kasama ko nakaubos ako ng isang plastic na Graham chocolate flavor. wew, yari ako kay Prince kapag nalaman niya niubos ko. hehe.
Ayun, dami nangyari nu? Anu napansin niyo? Ano kulang?
Wala kayo napansin? Nakalimutan kong ilagay na NALIGO rin pala ko! haha!
dito muna, next time ulit pagsinipag mag-type. ^___^
Subscribe to:
Posts (Atom)