hmmm.. hmmm.. hmmm..
ayun nandito na naman magta-type ulit para may laman blog na to, sayang naman.
share ko na lang sainyo kung anu naganap sa araw na to.
Sa Umaga:
Tamang gising lang, nagpasalamat sa panibagong araw na nagising at kalakasan na meron ako.
Maagang bumangon para makapagbasa ng God's Word, mas maaga mas masaya para mas maraming mabasa.
Pagkatapos magbasa at magbulaybulay, eto, check na ng e-mails en tumambay sa facebook.
(habang kumakain ng kung anu-ano)
Ah! Bago ko makalimutan, nagwalis ako ngayon at nagFloor wax ng sahig malamang kaya nga floor e. haha.
Proud naman ako sa ginawa kong ito kasi minsan lang maganap yan, palakas lang kay mama, hehe.
Pagkatapos maglinis upo ulit sa harapan ng computer, nagbasa ng mga articles, tinigilan ko muna magbasa ng mga patungkol sa kabalastugan ng mundong to, kung magbabasa naman ako gusto ko may katabi akong sasagot para matapos kaagad ang confusion. wew.
After magbasa, comment, comment ulit. Piling mga tao lang naman mga kinakausap ko pagdating sa comment, piling-pili lang din kasi yung mga makakakita ng wall ko en ng mga ipo-post ko, kaya pinagpala ka nang lubos kapag nababasa mo post ko. haha.
Sa tanghali naman:
Ayun, nananghalian ng Hotcake, haha, masarap naman binuhusan lang naman ng sandamukal na asukal at sangkatutak na gatas, sensya walang syrup. haha. Ayun, busog, sabog! haha.
After kumain nanuod ng kung anu-ano with my brothers en with my dearest mom. Habang nakikipagharutan kay boy baboy Prince, pamangkin kong kulot salot na walang ginawa kundi magkalat, manggulo, mangagaw ng PSP kala mu marunong, hindi naman! Hmpf! Hindi na tayo bati! haha. Sakanya ko nakuha yan, hehe. Nagtataka lang ako kapag ako nagagalit sakanya wala syang reaksyong binibigay sakin kundi pagtawa! asar. haha. Di bale kapag lumaki-laki pa sya pede na makutusan, haha.
Nakipag chat din ako kay Tita, actually hindi naman talaga ko kausap nun si mama talaga, ginawa lang akong taga-type. Grabe andaming sinabi ni mama pero yung unang sinabi lang niya natata-type ko, ambilis naman kasi masyado. ^__^
Bawi-bawi ako kay mama naging busy kasi dahil sa exams ginawa pang Sports Committee section namin kaya busy talaga. This coming week, last week na ni mama sa pagbabakasyon, week din kung saan mas kailangan kong tutukan mga players ng branch namen, tatakas na lang siguro ko para makauwi kaagad.
Natatakot nga ko sa pagalis ni mama, ewan ko ba. Sya lang naman kasi nakakausap ko ng matino sa bahay, pero ayos lang anjan naman si LORD hindi ako iniiwan. Sanay na rin naman ako sa pagiging kulang, sanay ako sa kalungkutan, naks drama, haha. Depende na lang ako kay LORD, masaya na ko Sakanya. ^_^
Sa hapon:
Pagkakaalam ko nakatulog ako 1 hour before YA, kaya ayun pagGising sama ng pakiramdam, ambigat at ayaw ng bumangon pero nilabanan ko at ayoko rin maging hadlang yun para hindi maka-attend ng YA.
Sinamahan ko muna si mama sa walter para magWtihdraw, habang nakapila kami biglang namatay ilaw, tas nagkaron ng sabayang pagsigaw, haha. First time lang mangyari sakin yun. ayun share lang. haha
Syempre late na naman ako sa YA, naguumpisa na ng dumating ako.
Tungkol sa iba't-ibang version ng bible yung topic, nasagot naman yung tanong ko, totoo nyan last week pa nasagot advance e, haha. Dikit-dikit lang sa leaders, natuto na. wew. Pagkatapos ng session naglaro, syempre sino pa mananalo? e di grupo ko ulit. haha.
Pagkatapos ng sevice evaluation, comments sa Emcee en Word lang naiintindihan ko kapag about sa PW wala na, lumilipad na isip ko. haha. hindi ko sila ma-gets e, blending ng guitar, smooth ng tunog, wew, hindi ko napapansin yun, haha, hindi ko rin naman kasi pinapansin kung maganda o hindi basta para kay LORD ayus lahat. Hindi naman naghahangad si Lord ng sobrang ganda e, kung ano lang yung kayang ibigay tatanggapin naman Niya, simple lang naman si Lord. ^___^
Sa gabi:
Pagkatapos ng YA, sumama ko sa house nila ate jes, birthday ni Bro. Bonnie.
Super enjoy sa byahe kahit mejo suffocate sa bus at tinapaktapakan paa ko, hindi ko na sila bati! galit ko na sila, haha. Sarap magpa-swaySway, hehe, grabe sikip talaga dun sa bus first time? hindi ako makaMove-on. haha. Ayun, pagkababa kala ko malapit na kami sa house nila ate, yun pala, haha, dulo talaga ng mundo bahay nila, ang layo. Enjoy sa tricycle, duguan tenga ko, haha. Ayun nakarating na kami sa house nila, nakilala ko si Duke para syang linta na may paa, haha! Ayaw ko sakanya tinititigan niya kasi ako, hindi pa ko available ngayon ayaw ko pa ng commitment. haha.
Ayun, kainan, sarap, sarap, habang kumakain nanunuod sa napakaseksing si Jessica Soho, naglaro din paunahan makahula? ng commercial, syempre sino pa panalo? e di si Ate Mae, haha, sorry talo ang inyong lingkod, bawi ako next time kabisaduhin ko lahat ng commercial, haha.
Syempre ano pa ba mangyayari pagkatapos ng lahat, e di uwian na.
Sakay ulit sa tricycle mas matindi ang sakit sa tenga!!! hindi ko na bati yung tricyle na yun! haha.
Sakay ng Bus, hindi na katulad ng nauna mas komportable, malaya kang makakahinga. haha. Enjoy ako kausap si Ate Mae. Sya lang naman kasi kakausapin ko waha!
Pagkauwi ko sa bahay takte naka-lock pintuan dumaan tuloy ako sa bintana, parang ewan lang. haha.
Habang naghihintay sa mga kasama ko nakaubos ako ng isang plastic na Graham chocolate flavor. wew, yari ako kay Prince kapag nalaman niya niubos ko. hehe.
Ayun, dami nangyari nu? Anu napansin niyo? Ano kulang?
Wala kayo napansin? Nakalimutan kong ilagay na NALIGO rin pala ko! haha!
dito muna, next time ulit pagsinipag mag-type. ^___^
No comments:
Post a Comment