September 9, 2010; Thursday: DAY 2

Magandang Umaga, Tanghali, Hapon at Gabi sa inyo!
Panibagong araw na naman ang pinagkaloob sa atin ng Maykapal kaya dapat tayong?
MAGPASALAMAT dahil buhay ka pa at nababasa mo to. ^__^
Start na ko sa pagkwe-kwento.

Sa UMAGA:

tulad ng dati, wala naman akong ginawang kakaiba. hehe.
Hindi ako pumasok ngayon sa kadahilanang huling araw na to ng bakasyon ni Mama, balik na ulit sya sa Kuwait para magtrabaho. Ang plano kong maka-bonding Mama ko ay hindi naganap dahil sa mga friends nyang maya-mayang nagsisidatingan, pagkatapos ng isa, meron ulit, walang katapusang chismisan, haha! Dahil ayokong nakikisali sa usapan ng matatanda, humarap na lang ako sa laptop at ito ang aking pinagbalingan ng atensyon na dapat ay para kay Mama. Hindi ko masyadong naging trip ang umaga.

Sa  TANGHALI:

Nakatulog ako dahil sa kabadtripan, at nagising dahil sa ingay ni Vice Ganda.
Meju mabigat pakiramdam ko paggising, palagi naman. haha.
Ayun, facebook ulit, nayaya ako ni Ate Mae manuod ng sine. Sama naman ako.
Wala rin naman ako gagawin e, saka hindi ko rin naman makausap si Mama dahil sa daming eps na kumakausap sakanya, kaya sumama na lang ako. 

Sa HAPON:

Habang naghihintay ng oras, kumain muna ko ng kung anu-anong pagkain na makukuha ko sa kusina.
Puro cupcakes, kaya nagkasakit-sakit na naman sikmura. May kausap pa rin si Mama mga pinsan ko ata sa side niya, hindi ko din kasi kilala mga kamag-anak ko sa mother side e, wala rin kasing balak ipakikilala samin. Natulog na lang ulit ako para may lakas sa panunuod. Hindi ko na naman namalayan ang oras malamang kasi tulog ako, diba? haha. Ayun, late ako sa usapan, palagi na lang ata, wew. ^_^

Sa GABI:


eto na ang pinakahihintay ni Bochog, ang manuod ng Despicable Me, hehe. dami kong nakitang symbols tulad na lang nito:

ang tawag dito ay Minion, anung symbol meron sya? "ONE SEEING EYE".
Umpisa pa lang ng movie marami na kong nakitang symbols, sineryoso ko yung movie, oo, may nakakatawang scenes pero wala kong care, hindi ko na- appreciated hehe. Again they promoting some stupid messages about New World Order. Tama bang napanuod yun ni Bochog? haha, anu ba malay nun dun? hehe. Naging sensitive lang talaga ko sa movie, siguro sa mga nakalipas din nA movie na napanuod ko may signs din, tulad ng kinaaadikan kong Shrek, mantakin mo meron pala yun? hahai, sabagay may Magic effect din. Na-enjoy ko rin naman yung movie kahit may mga nanggulo sa cellphone ko, mga importanteng text na hindi naman para sakin. 



BOCHOG

Super enjoy kasama si Bochog napaka-behave na bata, napaka-masunurin pa. lahat ng pinagaya ko sakanya nigagaya niya, haha. Malayo sya kay Prince pagdating sa attitude si Prince kasi kahit hindi kilala nagpapapansin na, samantalang si Bochog kailangan mo pang asar-asarin para lumabas ang tunay na pagkatao, haha. Mahilig ako sa bata pangarap ko kasi na magkaroon ng little brother or sister, para may makutusan haha, hindi na siguro mangyayari yun, di bale anjan naman si Prince sya na lang. hehe..

Baka naman magselos sila Ate Mae en Ate Jes hindi ko sila na-mention.


Ate Mae and Ate Jes


Ayun sina ate? ok lang sila kasama..end! haha. juk!
Super happy ako everytime na nakakasama ko sila at nagkakaroon ng bonding. Mas nakikilala ko sila at ganun din sila sakin, siguro? haha. Nagtataka lang ako bakit sila mas close ko kaysa sa mga ka-level ko? haha. malay ko din kay Lord bakit ganito ang nangyayari sunod na lang ako sa flow, masayang happy naman e. So blessed to have them. Tinupad nila pangarap kong magkaroon ng ATE, wala kasi ako nun as Kapatid.
Sila Ate na, Kapatid pa, Best Friends mo pa. San ka pa?, sakay na! haha. 

Ayun lang antok na ko.

  







No comments:

Post a Comment